Introduksyon
FOOD BLOG
SpagKasarap: Filipino Style SpaghettiIkaw ba ay nagbabalik-tanaw sa masayang kaarawan ng ating mahal sa buhay, kaibigan, at kakilala?Kung saan nasasabik tayo na makasama at makita sila sa pinaka-espesyal na araw ng kanilang buhay. Iyong tipong makikita na lang natin kapag naroroon na tayo, kung simple o magarbo ba ang disenyo ng pagdarausang lugar. Isa na rin sa pinaka-ikinagagalak natin ay ang mga naglalarong paslit dahil naranasan din nating maging bata. Iyong puntong gagawin ang lahat ng makakaya upang makakuha ng premyo mula sa mga palaro sa isang kaarawan. Hindi rin papahuli sa isang pagdiriwang ang mga nakahandang pagkain sa hapag ng mesa. Madalas nating nakikita sa isang handaan ay ang "Filipino Spaghetti". Kilala ito hindi lang sa Pilipinas kundi maging na rin sa iba't ibang panig ng daigdig. Hindi maikakaila ang napakasarap na lasa nito na talaga namang pasok sa panlasa ng mga tao kaya't sikat na sikat ito lalo na sa mga okasyon. Bukod sa linamnam na taglay ng "Filipino Spaghetti", sulit na sulit ito pagdating sa presyo na siguradong pasok sa budget ng handaan. Kaya naman kung mapapansin natin, hindi ito lumiliban sa mga idinaraos na pagdiriwang. Lagi natin itong makikita na nakahilera kasama ang iba pang pagkain na inihanda para sa okasyon. Hindi ka ba nagtataka kung saan ito galing at bakit ito nandito sa Pilipinas? Kung kailan ito nauso sa ating bansa at saang lugar ito nagmula? Ang blog na ito ay magbibigay-daan upang iyong malaman ang mga bagay patungkol sa pinakasikat na pagkain sa Pilipinas sa araw ng pagdiriwang, ang "Filipino Spaghetti".
| Filipino Style Spaghetti |
Comments
Post a Comment