Nutrisyon ng Pagkain
Ang spaghetti ay isang low-fat food. Ito ay mapagkukunan ng bitamina, mineral at fiber. Ang pangunahing sangkap ng whole wheat pasta ay harina. Ang harina ay mayaman sa carbohydrates, ito ang nagbibigay sa atin ng enerhiya. Ang fiber ay mahalaga para tayo ay magkaroon ng isang malusog na digestive system. Isa sa mga sangkap ng spaghetti ay cheese. Ang cheese ay mayroong calcium na nakatutulong para mapatibay natin ang ating mga buto at ngipin, nakatutulong din ito sa maayos na paggana ng ating puso. Ang isa sa pinakamahalagang benepisyo sa kalusugan ng spaghetti sauce ay pagkakaroon nito ng mga bitamina C, A, at K. Tinutulungan ng bitamina C ang iyong katawan na bawasan ang tyansya na ikaw ay magkaroon ng malubhang sakit, nakatutulong ito para hindi tumaas ang presyon ng iyong dugo, pinapababa ang pagkakataon na magkaroon ka ng sakit sa puso, napipigilan ang kakulangan sa iron, at tumutulong na protektahan ang iyong memorya. Ang bitamina A naman ay nakatutulong sa kalusugan ng balat at paningin. At ang bitamina K ay mahalaga para maiwasan ang pamumuo ng dugo at metabolismo ng buto.
Feedback
Tunay namang napakasarap ng Pinoy Spaghetti, lalo na't ito ay naiiba. Kung ikukumpara mo sa ibang spaghetti na maalat, ito ay may saktong tamis at asim. Dagdag pa rito ang maraming rekado o sahog na talagang magugustuhan natin. Hinggil pa rito, madali lang itong lutuin at pwede mo pa itong gawing almusal, tanghalian o hapunan. Ito rin ay patok na handaan kapag may okasyon, hindi naman kasi maipagkakaila na ito ay malinamnam at hindi ka mauumay. Hindi lang iyan, ang ibinudbod na keso sa ibabaw nito ang mas nagpasarap pa sa linamnam na taglay ng Spaghetti, napakagandang kombinasyon! Ang pagkain na ito ay swak sa bulsa at sulit sa panlasa. Kahit ito ay mabigat sa tiyan, paulit-ulit mo pa rin itong kakainin at babalik-balikan.
Comments
Post a Comment